Thursday, January 16, 2014

Tunay na kaibigan


Ang tunay na pagkakaibigan ay sinusubok ng bawat panahon at depende sa sitwasyon, maraming tao ang naghahanap ng totoong kaibigan na makakasama nila at magiging karamay nila sa anumang problema at kabiguan sa buhay, mahirap makahanap ng tunay na kaibigan at mabibilang mo ang mga tunay na mananatili sa iyo, mga kaibigang tutulong at magpapasaya ng araw na puro kalungkutan, sa pamamagitan ng pakikibahagi sa iyo ng meron sila at meron ka upang pagsaluhan ninyo.
Nakakalungkot mang isipin pero merong mga kaibigan na nagkukunwari at dumadating mga araw na nag sisiraan at sinisiraan ka patalikod, nagiging dahilan na ikaw ay natatakot na magkaroon muli ng kaibigan at isumpa ang taong nanloko sa iyo na kaibigan mo ng mahabang panahon at ang tiwala sa iba patungo sa pagkasira, minsan dahil sa pera kaya ka lang niya kaibigan? At di mo inaasahan na pag wala ka ay di mo aasahan na damayan ka.
Ang mga tunay at personal mong kaibigan na pwedeng magtayo sa iyo sa araw na bumagsak ka maging mga inspirasyon mo sa buhay para magpatuloy kang mabuhay, malaking bahagi sa buhay ng tao ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan, sino bang ayaw? at makibahagi sa komunidad, upang makilala at sila na makilala mo, sa lugar na kinaaroroonan mo dahil malaking impluwensya ang ugali ng kaibigan ayon sa lakad niya at ugali kung mabuti ba o masamang kaibigan siya? mga personal na kaibigan na mas malapit sa iyo, maging bukas ka at unawain mo sana bawat isa mga kaibigan mo at pahalagaan ang masasaya at mabubuting araw na kasama mo sila, kapag dumating ang mga pagsubok ay magkaisa kayo na maging matibay at nagbibigay ng mabuting payo na mas maraming alam at may karanasan ukol dun, mag ingat din sa mga mapagkunwaring kaibigan, na iwasan sila at matuto sa mga pagkakamaling nagawa nila sa mga araw ng kasama sila kung may isa na sisira sa pagkakaibigan na maaring maging isang masamang kaaway pa.
Na patuloy wag kalilimutang pasalamatan ang mga kaibigang tunay dahil mahirap silang hanapin at sa oras ng tagumpay at kabiguan nariyan sila, sa pag aaral, ka trabaho sa loob ng komunidad at maging sa loob ng simbahan.

Ang mga totoong kaibigan kailanman..



Normal lang magkaron ng tampuhan sa mga magkakaibigan.

I`ve saw this text/post in one of the blog site that I search. this was so interesting and realistic topic that I`ve read. that mention in here that any struggles come in every friendship there is a solution of it. 

Hindi mo maalis sa isang grupo ng magkakaibigan ang magkatampuhan. Hindi naman kasi sa lahat ng oras magakakasundo kayo. Hindi sa lahat ng oras pareho kayo ng takbo ng isip. Ganon din sa mga mag be-bestfriends. Hindi maiiwasan yung magkatampuhan kayo. Dito kasi nasusubok kung gaano kayo katibay ng kaibigan mo. Sa tampuhang naganap mare-realize mo kung gaano siya kahalaga sa iyo. Kahit na ano pang ginawa niyang mali mapapatawad mo pwera nalang siguro kung inagaw niya syota mo. Ibang usapan na yun. Pero depende pa rin yun sa pagkakamaling nagawa mo.
Ano nga ba ang cause ng mga tampuhan ng magkakaibigan?
  • Hindi kayo nagkasundo sa isang seryosong bagay
  • Ginawa mo yung sinabi niyang wag mong gagawin
  • Sinumbong mo kalokohan niya sa parents niya
  • Nakikipaglandian ka sa boyfriend/girlfriend niya
  • Nagbiro ka ng wala sa oras.
Marami pang iba. Para sa akin ang importante naman kahit na magkaroon kayo ng tampuhan dapat marunong kayong tumanggap ng pagkakamali niyo. Marunong kayong umako ng kasalanan. Marunong humingi ng sincere na sorry. Marunong magbigay ng forgiveness.
Ang mahalaga magkaayos kayo. Naniniwala kasi ako na ang girlfriend/boyfriend makikita ko din yan pwede mong palitan. Pero ang tunay na kaibigan mahirap na hanapin yun.

Voice out.


Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mahiyain. Hindi ko alam kung dala ito ng kultura o kung ano man. Napansin ko lang marami sa atin ang hindi marunong mag voice out sa mga nararamdaman natin. Kahit na nasasaktan na tayo oh kaya naman ay naiinis na tayo mas pinipili nating manahimik. Bakit nga ba may mga taong pinipiling manahimik na lang? Siguro para maiwasan yung gulo, para di na lumala ang problema, pwede din yung natatakot sa mga consequences na pwedeng mang yari pag nag salita pa sila. Bakit ka matatakot kung wala ka namang ginagawang masama? Kung alam mong nasa tama ka at alam mong nagbibigay ka lamang ng opinyonpara sakin hindi naman masama kung sasabihin mo yung nararamdaman mo.
Ito yung mga sitwasyon ko.
1. Napansin ko lang to simula nung nasa school pa ako. Merong dalawang klase ng tao, Una yung padrino, siya yung laging kapag may mga kailangang kausaping prof o school officials siya yung front liner nung isa, na pwede nanating tawaging parasite. Kung baga kailangang laging kasama ni parasite yung padrino niya sa mga ganyang case dahil hindi niya kaya dalhin yung sarili niya. Hindi mo alam kung nahihiya ba yung taong yun o malakas lang talaga o makapal lang ang muka nung padrino. Kahit ano pang sagot dun hindi na yun importante.
2. Napansin ko din to sa pag-ibig na set up naman. Dalawa din ang klase ng tao dito. Siyempre ganon pa din isang malakas ang loob, isang torpe. Kung di ka magvo-voice out ng nararamdaman mo para sa taong gusto mo walang mangyayari sayo, mauunahan ka lang nung taong malakas ang loob. And the result? Wala loveless ka. Iiyak ka nalang sa isang sulok at magmumukmok.
3. Kapansin-pansin din to sa pulitika. Kahit hindi sa pulitika, kahit yung mga simpleng associations or groups lang. Kapag yung mga taong may ‘power’ na yung nag salita kahit MALI tumatahimik nalang yung mga members. Siguro pwedeng natatakot sila dahil wala naman silang ‘right’ para mag salita. Dahil sa inferiority at sa pwedeng punishment for such action kung nag salita pa. Isa sigurong dahilan to ng hindi natin pag asenso. Madalas kasi yung mga taong inferior yung may mga magagandang suggestions.
Ilan yan sa mga sitwasyong napansin ko. Kung hindi ka magiging matapang para i-share yung mga nararamdaman mo, walang mangyayari sayo. Bukod sa hindi ka na uusad sa buhay mo hinahayaan mo nalang na ma-stuck ka sa ‘bulok’ na sistema na meron tayo. Hindi masama mag voice out pero bago mo gawin yun siguraduhin mo munang nasa tama ka at wala kang natatapakang tao. Baka naman kasi puro salita at daldal ka nalang hindi mo na alam ang sinasabi mo. At wag ding kakalimutan na porque nag voice out ka na eh hindi ka din makikinig sa ibang tao. Dapat balanse lang palagi.HIGIT SA LAHAT ALAM MO ANG LIMITATIONS MO.
Kaya ikaw tatahimik ka nalang ba?

Na in-love ka sa taong in-love sa iba.


Naranasan mo na ba yang ganyang pakiramdam? Ang hirap noh. Napakabigat sa pakiramdam yung ganyan. Isa yan sa mga pinakamasakit na pwedeng mangyari kapag na in love ang isang tao. Kung iisipin mong mabuti, bihira ka na nga lang mai-inlove sa taong in love sa iba o kaya naman sa committed pa. Ang malas mo lang din eh ano? Well ganon naman talaga sa pag-ibig eh minsan hindi talaga balanse. Wala kang magawa kung hindi ang kaibiganin na lang siya at ipilit mo sa sarili mo na MASAYA KA PARA SA KANYA.Pero deep inside napapamura ka nalang at sinasabi mong SANA AKO NALANG ANG MAHAL MO.
Iniisip mo na sana lumigaya nga siya sa piling ng iba kahit na alam mo sa sarili mo na pwede din naman siyang lumigaya sayo. Tapos kapag nasasaktan na siya dahil doon sa taong mahal niya wala kang magawa kung hindi ang damayan siya. Kung kaibigan mo siya mabibigyan mo siya ng payo. Kung hindi naman wala kang magagawa kung hindi tiisin na nasasaktan ang taong mahal mo. Tapos papasok nalang sa isipan mo na sana IKAW nalang ang mahal niya. Hindi sana siya masasaktan ng ganoon kung ikaw ang mahal niya.
Pero ano ba ang dapat mong gawin? Dalawang case yan. Yung una kung committed na talaga siya eh lumayo ka nalang at maging masaya para sa kanila kahit na alam mong masakit para sayo. Pangalawa, kung hindi naman siya committed pero in love siya sa ibang tao oh kaya naman ay sa ex niya. Ang tangi mo lang magagawa eh ang mag hintay.MAGHINTAY NG TAMANG PANAHON NA NAKALIMOT NA SIYA. Siguro naman ay ayaw mo maging panakip butas lang di ba? Ito lang siguro ang madaya sa pag-ibig. Hindi mo talaga alam kung ano ang stand mo sa taong mahal mo. Swerte ka lang talaga kapag nagkataong mahal ka ng taong mahal mo.

ito naranasan ko na talaga ang ganitong pakiramdam at sitwasyon (parang parati nga eh...) lalo na pag ang bet mo ay ang bet niya ay kaibigan mo lang pala. Nag papacute ka sa crush mo ng bonga-bonga pero di ka naman niya bet(huhuhuhu..) every time that i had a crush on the person that i like, when he saw that i have a companion or i have a friend with me that`s the time that he smiles and talk to me so that he want to ask the name of my friend and ask if she is single (diba ang sakit-sakit... nag papacute si kuya lang pala sa akin para makuha name ng friend ko... hahahai naku...)

Tamang panahon?


Meron nga bang tamang panahon para maging basehan para masabi mong mahal mo ang isang tao? Hindi ko kasi malaman yung dahilan ng ibang tao at nasasabi nila na mahal na agad nila ang isang tao kahit na kakakilala pa lang nila dito. Wala din naman kasi tayong karapatan na husgahan ang mga taong ito. Dahil wala naman tayo sa lugar nila at hindi naman tayo ang nakakaramdam ng sinasabi nila. Ako din kasi guilty na ako ng LOVE at FIRST SIGHT. Noong una nga eh di ako naniniwala doon pero nung naramdaman ko na yun eh yun na nga. Hindi naman kasi love na agad agad yun, siguro attracted ka muna sa tao tapos biglang made-develop nalang sa love.
Siguro marami na din sa atin ang nakaranas ng ganito, yung mai-in love ka sa taong hindi mo pa ganong kakilala, or the least ma-attract ka sa kanila. Siguro nga may nakita ka agad sa taong yung na feeling mo he or she is “one in a million”. Yung tipong nabago niya yung perception mo about sa lalake o sa babae. Kung sa tingin mo dati na lahat ng babae ay malalandi, pinatunayan niyang hindi lahat ganon. Kung sa tingin mo din naman ay lahat ng lalake manloloko, ganon din napatunayan niya sayo na hindi nga lahat ganon. Ayan! Tinamaan ka na nga ng pana ni kupido.
2 weeks? 2 months? 2 days? Kahit anong oras pa yan hindi mo pa din alam kung kailan ka makakaramdam ng pag hanga sa isang tao. Kahit na alam mo sa sarili mo na hindi mo pa siya ganoong kakilala eh wala ka ng pake kasi in love ka na. Pero eto lang ang tanong ko. PAANO KUNG NALAMAN MO NA YUNG TUNAY NA SIYA? PAANO KAPAG NAKITA MO NA ANG MGA BAD SIDES NIYA? MAGUGUSTUHAN MO PA DIN BA SIYA? Oh? Napaisip ka noh? Siguro pwede mong sabihin sa sarili mo na “Ay ganyan pala siya” tapos unti unti mong nararamdaman na mali pala ang pagkaka-kilala mo sa kanya.
Kaya bago ang lahat, siguraduhin mo muna ang nararamdaman mo. Malay mo attracted or infatuated ka lang sa kanya. Hindi naman kasi masama kung kikilalanin mo muna yung tao. Tska yun naman talaga ang dapat na ginagawa. Wag ka magpadalos-dalos sa nararamdaman mo. Baka masaktan ka lang din, pero hindi pa din kita masisisi sa nararamdaman mo. Been there done that.

Recipe to Make Your Own Jewelry Cleaner

I saw this earlier shared in one of my friends' wall and it has a message on it to share so here I am, sharing it here too. Picture used below is not mine, I snagged it on Facebook and I don't own it. Snagged it from Karyn Lynnette Olson on Face Book. 


1 tablespoon salt
1 tablespoon baking soda
1 tablespoon dish detergent
1 cup water
1 piece aluminum foil

Directions:
1. Heat water in the microwave for 1 or 2 minutes.
2. Cut a piece of aluminum foil that roughly covers the bottom of a small bowl (like a cereal bowl).
3. Pour hot water into bowl. Place salt, soda, and dish-washing liquid into bowl. Place jewelry on top of foil and let it sit for 5 to 10 minutes. Rinse jewelry in cool water and dry jewelry completely with soft cloth. Discard solution after use and make a new batch next time.
4. According to wire-sculpture.com, "this works well for gold-filled, brass, German (nickel) silver, and sterling silver. I have even cleaned jewelry with freshwater pearls, shell cameos and mother of pearl with no problem.".


Tuesday, January 8, 2013

Buhay Beki in the sub-urbs


Ansarap balikan ng pagkabata...
Ung tipong from elementary top high school...
To college...

Nung time na umuusbong na pag-iisip mong me buntot ka pala ng isda - oo nalaman mong me kaliskis  ka na
At nararamdaman mong ung pinagdadaaanan ng mga beki in your age almost 2,000,00 years ago..

Identity Crisis...

Halos lahat ng beki dumaan sa ganyan - dalawang milyong taon na ang nakakaraan (Age of humans.)
Di maipaliwanag na pakiramdam. Ung di mo alam kung bakit ka nakembot gayung anak ka ni Adan.
Di mo mapigilan mahumaling sa mga biritera katulad ni Regine, Mariah, Celine at Whitney gayung barakong barako ung boses mo...
Di mo rin mapigilan na mag-second look sa mga nasasalubong mong lalaki...
Di mo mapigilan ung feeling na pag nakatingin sau ung pinakagwapong klasmeyt nyo eh pinagpapawisan ka...
Di mo rin mapigilan mapasama sa mga beki at mapabilang sa isang pulutong ng bekiternity.

Naaalala ko pa noon..

16 kaming mga beki na magkakasama at magkakasabay sa pag-uwi galing school.
nakakatuwang isipin na kung may mga taong pwdeng lumaban sa walkaton, tanging mga beki lang ang matatag sa pangmatalagang lakaran. kahit gaanu kalayo..proven yan...basta magkakasama yan..kahit buong EDSA man tahakin..from Taft to North bound kaya sa powers na inilaan ng mga Bathala.

Andami kong beki friends..ung iba tunay...ung iba gawa sa orocan...
Pag beki ka at andami mong pimples...chakaness ka..tulad ko noon...oo...NOON...
Dahil isa na akong ganap na DYOSA ngaun na walang bahid ng nakaraan ng tighiyawat...salamt sa Safeguard.

Pero nung pumatak ung edad 17-20...nag-iba klase ng mga barkada ko...puro Lalaki na..
As in mga Straight guys na ako lang ang Dyosa...hay sarap...
Biglaan lang...after na isang nakakarimarim na break-up sa isang unworthy guy (BITTER???)
Nakijoin lang ako sa inuman nung time na feeling ko pinagtalsilan ako ni Chris Hemsworth at Chris Evans. 

Pag puro beki ang tropa mo...
Pa-talbugan...kabugan...bonggahan...
Di pwdeng wala kang nakahandang paraphernalia in-case me lakad tulad ng pulbos...at Pera..
In-born na rule na pag ang beki walang pera sa bulsa eh "Your not In with the Crowd" or wallflower ka.

Pag puro merlat (babae) ang friends mo at ikaw lang ang beki...
Either Beauty Consultant ka...Make Up artist...fashion designer and consultant...at taga-linis ng kalat..
Pag napaaway pa mga friends mong merlat..ikaw ang magsisilbing knight in shining armor (kahit naduduwal ka dun sa term). Pero libre ka sa lahat...food...clothes...make-up...minsan pati board and lodging...kahit ticket sa MRT at concert nalilibre ka (danas ko yan!!!)

Pero iba pag puro lalaki ang tropa mo
Ikaw ang prinsesa...
Apple of the eye...
Ang Pinakamagandang Beki sa lupalop ng sub-urbs.
Untouchable ka ng ibang tambay na addict kasi tropa mo ung anak ng Chairman na lalaki...eh 5'11" ba naman tropa ko nun...so feelingera si bakla....
Andami ring galit sau ng beki...kasi mga insecure...(hahahaha - naranasan ko pang masugod ng 3 bakla dahil ung crush nila na tropa ko eh nilalandi ko daw - paranoid sila pramis!!!)
Pag lalaki ang tropa mo...hindi mo na kakailanganin mag boyfriend..kasi sa dami ng lalaking nakapaligid sayo..kontento ka na...partida kung cuteness pa sila...
Pag me crush ka na ibang lalaki...nagseselos sila..
Kung feeling mo ung crush mo eh si Mr. Perfect...andami nilang nakikitang kapintasan. Kesyo me tulo daw si Mr. Perfect o wallet at credit card lang daw ang tingin nun sayo...hahanap at hahanap sila ng imperfections sa lalaking Greek God na sinasamba mo.
Sa inuman, ikaw ang reyna..bawal utusan bago ang inuman. Uupo ka lang...
pero pag me gurl na kasama..ikaw ung utusan. Talbog ang ganda mo sa nilalang na me fekfek...(mga Lason)
pag sa lakaran...kung 8-10 ung tropa mong lalaki...feel mo safe na safe ka...kahit kanino pwde kang umangkla. Holding hands while walking sa mall..sa palengle o kahit dun sa lugar nyo. Wala silang paki...
Kilala ka rin ng mga parents...feeling mo ikaw ung manugang...at sila ung byenan mo...hahaha

Pero ikaw din ang chimay...tagalinis ng pinagkalatan ng mga damuho.
Ikaw ung takbuhan pag me gusto silang ligawan na gurl...(ang mga lalaki di marunong makontento..me beki na me jojowain pang gurl - hahaha)
Ikaw ung magiging tulay sa pagitan ng tropa mo at dun sa merlat na pilit mong iclo-close para lang madate nila.

Pero lumilipas ang panahon...at tapos na ang aking maliligayang araw...
Karamihan kasi sa mga tropa kong babae - me career na - Working Girls..pero me konting sosyalan paminsan-minsan..
Ganun din sa mga tropa kong Beki...ung iba Call Cenner Agent...Me mga crews sa resto o fast food...Me teacher na rin na malapit na makarma - ang paghihiganti ng nakaraan. next blog ko yan...

Ung mga tropa kong lalaki - me mga asawa na...me nagpapaligaya na sa kanila..
Ung iba nagtrabaho sa malalayong lugar..call of duty daw...
Ung iba tambay pa rin...pero pensionado...di ko na makasama kasi me mga jowa na ring merlat (mga Lason)
Ung iba...patay na...sumalangit ka nawa 'tol.

Ansarap balikan no...sarap alalahanin ng mga bagay na naging parte ng buhay mo...
Aaminin ko...pinagnasaan ko ung iba sa mga tropa kong lalaki...pero we didn't end up with sexual experiences with each other...except dun sa isa..(hihihi - landee!!!- next blog na lang din un...)

Ikaw anong kwento mo sa buhay beki mo???

Ako part lang to ng istorya ng buhay ko...


Kwento ka naman....

Babasahin ko pramis!!!


...........................